Banal na Rosaryo


0.9.2 توسط Joven Villavicencio
29/01/2015

درباره‌ی Banal na Rosaryo

Ang Banal na Rosaryo o Santo Rosaryo

Ang rosaryo o santo rosaryo ay ang dasal na binubuo ng ibang panalangin katulad ng Sumasampalataya Ako, Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati, Aba Po Santa Mariang Hari, at litanya. Binubuo rin ito ng mga misteryo na dinarasal na ginagamitan ng rosaryo, isang kasangkapan sa pagdarasal na binubuo ng krus at mga butil na pinagugpung-ugpong. Dinarasal ito para sa Mahal na Birheng Maria. Binubuo ng apat na misteryo ang pagdarasal ng rosaryo.

Ang pagrorosaryo ng mag-anak ay ang pagbigkas ng may malakasang tinig at habang magkakapiling ang mga kasapi ng pamilya at maging pagsali ng mga kaibigan ng mag-anak. Maaari rin namang dalawa lamang sa isang pagkakataon ang ginagawang pagdarasal na ito. Nagagawa ang pagrorosaryo sa anumang angkop na pook at panahon. Ang namumuno ang sumasambit, sa malakas na tinig, ng unang bahagi ng bawat panalangin. Ang pangalawang tao o pangkat ng mga tao ang tumutugon nang may malakas ding mga boses sa pamamagitan ng pagbigkas sa pangalawang bahagi ng mga dasal. Sinisimulan ang pagdarasal ng rosaryo sa pamamagitan ng paghawak ng bawat deboto sa krus ng kanikanilang mga rosaryo sa pamamagitan ng kanilang mga kanang kamay, at magsasangalan ng Ama. Uumpisahan ng pinuno ang Kredo ng mga Alagad, na kilala rin bilang Sumasampalataya Ako, na magpapatuloy sa pagdarasal ng Ama Namin sa malalaking mga butil ng rosaryo at ng Aba Ginoong Maria para sa mga maliliit na mga butil. Ipinapahayag ng pinuno ng pagrorosaryo ang mga Misteryo bago tumuloy sa mga dekada ng rosaryo. Limang dekada ang dinarasal bawat araw. Kaugnay ng pagrorosaryo ang kasabihang "ang mag-anak na nagdarasal na magkakasama ay nananatiling magkakapiling.

Itinuturing na isang pagdinig sa pagtataguyod ng Ina ng Fatima sa pagdarasal ng rosaryo ang gawaing pagsasambit ng rosaryo ng siyam na ulit, na isang anyo ng nobena ng rosaryo. Binubuo ang limampu't limang araw na debosyon sa pagnonobena ng rosaryo ng araw-araw na pagdarasal ng limang mga dekada ng rosaryo sa loob ng dalawampu't pitong araw bilang petisyon o hiling at ng lima pang mga dekada sa loob ng dagdag pang dalawampu't pitong mga araw bilang pasasalamat. Ginagawa ang tatlong pagnonobena ng paghiling para sa isang partikular na pagsamo at tatlong nobena para sa pasasalamat kaugnay ng isang partikular na paghiling. Sa unang araw binabanggit ang limang Misteryo sa Tuwa; sa ikalawa, ang limang Misteryo sa Hapis; sa ikatlo, ang limang Misteryo sa Luwalhati; at sa ikaapat, inuumpisahang muli ang limang Misteryo sa Tuwa. Ayon sa mungkahi ni Papa Juan Pablo II, isinisingit sa nobenang ito ang mga Misteryo sa Liwanag sa ikalawang araw ng nobena, na magiging sanhi ng paglipat ng mga Misteryo sa Tuwa sa ikatlong araw ng nobena at sa paglipat ng mga Misteryo sa Luwalhati sa ikaapat na araw ng nobena; sisimulan muli ang mga Misteryo sa Tuwa sa ikalimang araw ng nobena.

Mga Misteryo ng Banal na Rosaryo

Ang mga Misteryo ng Tuwa

Ang pagbati ng anghel sa mahal na Birhen.

Ang pagdalaw ng Birheng Maria kay Santa Isabel.

Ang pagsilang sa mundo ng Anak ng Diyos.

Ang paghahain sa Templo sa Anak ng Diyos.

Ang pagkakita kay Hesukristo sa Templo ng Herusalem.

Ang mga Misteryo ng Liwanag

Ang pagbibinyag kay Hesus sa Ilog Jordan.

Ang pagpapahayag ni Hesus ng kanyang sarili sa kasalan sa Cana.

Ang pagpapahayag ni Hesus ng Kaharian ng Diyos, sa pagtawag patungo sa pagbabago.

Ang pagbabagong-anyo ni Hesus.

Ang pagtatatag ni Hesus ng Banal na Eukaristiya, bilang pagpapahayag na Sakramental ng Misteryong Paskwal.

Ang mga Misteryo ng Hapis

Ang pananalangin ni Hesus sa halamanan.

Ang paghampas kay Hesus na nakagapos sa Haliging Bato

Ang pagpatong ng Koronang Tinik kay Hesus

Ang pagpapasan ng krus kay Hesus.

Ang pagpapako at pagkamatay ni Hesus

Ang mga Misteryo ng Luwalhati

Ang pag-akyat sa langit ni Hesus.

Ang pagpanaog ng Diyos Espiritu sa mga apostoles.

Ang pag-akyat sa langit ng Mahal na Birhen.

Ang pagpuputong ng korona sa Mahal na Birhen.

جدیدترین چیست در نسخه‌ی 0.9.2

Last updated on 20/09/2015
Added Multiple schedules.

اطلاعات تکمیلی برنامه

آخرین نسخه

0.9.2

بارگذاری شده توسط

Chit Cho

نیاز به اندروید

Android 2.2+

گزارش

گزارش محتوای نامناسب

نمایش بیشتر

جایگزین Banal na Rosaryo

از Joven Villavicencio بیشتر دریافت کنید

کشف کنید